3 bigtime tulak huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 29, 2022
ZAMBALES—Tatlong bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. New Kalalake, Olongapo City.
Nakilala ang mga suspek na sina Jayvee de Jesus, Ramon Monzaga at Ronna Vega, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.
Nabatid na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments