25 Bahay tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | June 9, 2022
CEBU--Dalawampu't limang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Ermita, Cebu City.
Ang sunog ay nagmula umano sa isang bahay at nadamay na masunog ang 24 pang kabahayan sa nasabing lugar.
Nabatid na nakaresponde agad ang mga bumbero, pero dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan kaya't mabilis na tinupoy ng apoy ang 25 bahay.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy.



Comments