top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

25 bahay, tinupok ng apoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 11, 2020



CEBU — Dalawampu’t limang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Mandaue City.

Ang nasunog na mga bahay ay pag-aari ng mga residenteng naninirahan sa Bgy. Labogon at Bgy. Paknaan, kapwa sa nasabing lungsod.

Nabatid na ang sunog ay nagmula sa bahay ni Regan Sacay at dahil sa gawa lang sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy kaya’t nadamay na nasunog ang 24 pang kabahayan sa dalawang barangay.

Iniimbestigahan na ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog sa bahay ni Sacay.

Napag-alamang wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page