top of page

Nakahanap ng sponsor.. WILLIE, TAOB ANG MGA PULITIKO SA PAMUMUDMOD NG DATUNG

  • Erlinda Rapadas
  • Jun 11, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Sa dami ng viewers na nangangarap na mabigyan ng ayuda mula sa Wowowin at Tutok to Win, bawal magkasakit ang comedian/TV host na si Willie Revillame.

Sa araw-araw na pagso-show niya ng Tutok to Win, hindi pinapalampas ng mga viewers ang panonood nito kahit na wala na ang kanyang mga co-hosts at wala na ring malalaking guests.

One man show nga ang ginagawa ni Revillame dahil marami siyang kantang nai-record mula sa komposisyon nina Vehnee Saturno at Lito Camo.

Bilang na bilang na rin ang exposure ng kanyang mga sexy dancers na Wowa Girls, pero ang saya naman ay hindi nababawasan dahil sa mga bonggang ayuda ni Willie Revillame sa napipiling lucky viewers na natatawagan.

Kung tutuusin, hindi na nga obligasyon ni Willie ang mamahagi ng ayuda. Pero, sa nakikita niyang kalagayan ng mga nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng COVID pandemic, itinuluy-tuloy na niya ang pagtulong.

Gumawa siya ng paraan upang makakuha ng mga sponsors na makakatulong niya sa pamamahagi ng konting financial assistance. Malaking bagay na ito sa mga taong nangangailangan.

Kaya kahit wala pang studio audience ang Tutok to Win at sa Wil Tower pa lang sila nagso-show, hindi iniiwan ni Revillame ang kanyang mga regular viewers. Kung sa tulong at tulong din lang, daig pa ni Willie ang mga senador at congressman sa kanyang charity works.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page