Kung dati, para sa Yolanda victims... ANGEL, NAGBENTA NA NAMAN NG LUXURY CAR PARA SA MASS TESTING
- Julie Bonifacio
- May 28, 2020
- 1 min read

Kalat na ang balitang ibinebenta (o baka may nakabili na by this time) ni Angel Locsin ang kanyang luxury car na 2015 Dodge Durango.
Naka-post kahapon sa kanyang social media account na up for sale na ang Durango ni Angel. At ang mapagbebentahan ng kotse ay gagamitin para sa CoVid mass testing project.
This is not the first time na nagbenta ng kotse si Angel for a good cause.
First time niyang ginawa ang magbenta ng kotse noong 2013 para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang kotse na ibinenta ni Angel ay ang kanyang Chevrolet Chevelle.
Incidentally, sa pagdiriwang ng 70th year ngayong taon, ini-launch ng pamilya ng creator ng Darna na si Mars Ravelo ang paglabas ng kanilang official Facebook page.
Ginampanan ni Angel ang role ng Pinay superhero sa TV adaptation ng Darna noong 2005.
At ngayong panahon ng covid-19 pandemic, sa paningin ng marami ay isang tunay na superhero si Angel with what she's doing in helping not just the frontliners kundi pati na ang iba pa nating mga kababayan.
Mula mismo sa eldest grandchild ni Mars Ravelo na si Mara Ravelo Austria Bernaldo, sinabi niya na si Angel ay isang 'living Darna.'
"Yes, Angel Locsin is indeed a living Darna. Her efforts to better our society are admirable and truly heroic. The Ravelo family salutes Ms. Angel and all frontliners," pahayag ni Mara.




Comments