top of page

Binangungot at takot na takot, babala na mauulit ang pagkakamali sa past

  • Socrates Magnus
  • May 28, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jamie na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Binangungot ako at may humihila ng kumot ko. Mahigpit ang pagkakatabon ng kumot na green sa akin at ramdam na ramdam ko ‘yun habang hinihila sa katawan ko. Nu’ng unti-unti nang bumababa ‘yung kumot, nakita ko si Lola Aneng na umiiyak at pilit niyang tinatanggal ang kumot ko at pagtingin sa kumot ko, puro dugo, tapos niyapos niya ako.

Parang totoo ‘yung pangyayari dito sa bahay namin. Nasa kabilang kuwarto kami at biglang pumasok sa isip ko na dahil sa sahig kami natutulog ngayon, baka binabangungot na naman ako dahil ramdam na ramdam ko ang iyak at yapos ni lola. Hindi ako makagalaw at iyak na ko ng iyak, tinatawag ko si Brian nang paulit-ulit at buti na lang, nagising sya.

Ano ang ibig sabihin ng kumot na green at dugo?

Naghihintay,

Jamie

Sa iyo Jamie,

Una, dahil kalusugan ang dapat mas pinahahalagahan kaysa sa ibang bagay, mas magandang malaman mo na kadalasan, ang mga binabangungot ay may problema sa kanyang mga organs. Kapag hindi makahinga, puso ang puwedeng may diperensiya. Kapag naman hindi makagalaw at hinihingal, sa baga ang puwedeng may isyu. Kapag ang bangungot ay may kasamang takot o may kinatatakuang nilalang o bagay, ang problema ay maaaring nasa bahagi ng tiyan.

Kadalasan, ang mismong natulog ay hindi sinasadyang nahawakan ng isang kamay ang kanyang braso, siya rin ay mananaginip na hindi makagalaw at binabangungot. Gayundin, ang maling puwesto sa pagtulog ay iniiugnay sa bangungot.

Ngayong alam mo na ang mga paunang kaalaman tungkol sa mga sakit o karamdaman na puwedeng maging sanhi ng bangungot, pag-aralan mo ang mga ito nang mawala na ang bangungot mo.

Pagtapos mong malaman ang mga nasa itaas, maganda rin na masabi sa iyo na ang bangungot mo ay nagbababala na ang mga mali mo sa buhay ay puwedeng maulit.

Ang ibig sabihin ng salitang “puwede” ay hindi agad-agad o awtomatikong magaganap dahil kapag hindi mo pinayagang maulit sa iyo ang mga malabangungot na naging kasaysayan ng buhay mo ay hindi ka magsisisi.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page