top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Opisyal na pahayag ng PhilHealth sa kanilang Interim Reimbursement Mechanism (IRM)

  • Thea Janica Teh
  • May 26, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Ang Interim Reimbursement Mechanism o IRM ay isang emergency cash advance measure ng PhilHealth para sa mga ospital na may emergency fund para sa mga hindi inaasahang kalamidad.

Noong idineklara ang global pandemic dahil sa COVID-19 sa buong mundo ay naghanda agad ang PhilHealth ng IRM na equivalent sa 90 days ng annual historic benefit claim na available sa lahat ng health care institutions kasama ang dialysis center at lying in clinic. Ito ay humigit-kumulang Php30 bilyon.

Bilang pagtugon sa pandemiyang ito ay nagsagawa ang PhilHealth ng pattern para maibigay ang ating pangangailangan. Unang kumalat ang virus na ito sa NCR, Region 3, 4, 7 at 11 kaya naman, nagbigay agad ang PhilHealth ng IRM sa lahat ng referral hospital at laboratories sa lahat ng probinsiya.

Bilang tugon sa pagsugpo sa pandemikong ito, isa sa istratehiya ng gobyerno ang mass testing at quarantine ng mga kumpirmadong may virus. Kinakailangan ito ng pondo at ito ay sagot ng PhilHealth.

At dahil wala pang nagagawang vaccine para sa virus na ito, pinapanatili ng Philhealth ang pondo para maibigay pa rin ang pangangailangan ng mamamamayan.

Sa ngayon, Php13.8 bilyon na ang nailabas ng PhilHealth para sa 599 health care institutions, nationwide. 53% o Php7.3 bilyon dito ay inilaan sa private institutions. Ang Php4 bilyon naman ay napunta sa NCR.

Pagkatapos isa-isahin ng PhilHealth ang inilabas na IRM, maglalaan na ito ng pondo para sa mass testing bilang solusyon sa pandemikong kinakaharap natin ngayon.

Bilang tugon sa proyekto ng gobyerno sa malawakang mass testing mula 1.5% ay maging 2%, nakipagtulungan na ang PhilHealth sa Philippine Red Cross (PRC) para malaman ang bilang ng may kaso ng COVID-19 at agad na ma-isolate.

Sa ilalim ng MOA, ang PRC ang magbibigay ng COVID-19 testing service gamit ang Real-Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na nakalahad sa Section 4 (1) ng Republic Act No. 11469 o mas kilala sa “Bayanihan to Heal As One Act” at ang PRC bilang accredited ng DOH testing laboratory.

Php100 milyon na ang nailabas ng PRC na kailangang I-replenish at I-liquidate. Dahil sa kakulangan ng test kits at base sa Memorandum 0020-0180, ito lamang ang maaaring bigyan ng libreng test: 1) Pasyente o health care workers na may sintomas at may history ng travel o contact; 2) Pasyente o health care workers na may bahagyang sintomas, may history ng travel o contact at kabilang sa mga mahina ang kalusugan; 3) Pasyente o health care workers na may bahagyang sintomas at may history ng travel at contact at 4) Payente o health care workers na walang nararamdamang sintomas ngunit may history ng travel o contact.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page