Dumi ng tao, isang silver bullet kontra COVID-19
- Lolet Abania
- Apr 30, 2020
- 2 min read

PARIS – Magmula ng magkaroon ng pandemic, nagsagawa na ang mga mananaliksik sa buong mundo ng malalimang pag-aaral tungkol sa pagkalat ng COVID-19 na nanggagaling sa waste water at sewage o dumi sa tubig at mga tao.
Unang outbreak pa lamang nito sa China, ilang siyentipikong pag-aaral ang ginawa na malinaw na nagsasabi ng virus ng COVID-19 na nakuha mula sa stools o dumi ng mga pasyente.
Sa ngayon, ang pagsusuri sa dumi ng tao, ang tanging susi upang malaman ang pagdami o pagkalat ng virus – at magsisilbi ring babala sa lahat sa maaaring ikalawang bugso nito.
Nadiskubre ng mga researcher ang genetic traces ng Sars-Cov-2 – opisyal nang tawag sa virus – sa waste water ng mga banyo, sewers at mga sewage farm mula Brisbane hanggang Paris and Amsterdam.
Sa mga natuklas, ‘walang panganib’ na ibibigay nito sa kalusugan ng publiko, ayon kay Luca Lucentini, water quality director ng Italian Institute Superior of Health (ISS), matapos na maraming nagpositibo sa testing na ginawa sa Rome at Milan.
Ayon pa sa mga eksperto, ligtas para sa mga bansang mayroong strict treatment procedures o pagkakaroon ng maayos at malinis na pinagkukunan ng inuming tubig.
Gayunman, ang nakikitang virus sa mga dumi ng tao ay hindi nangangahulugan na maipapasa ang virus sa atin. Ang ma-expose dito ay “could pose a health risk,” babala ng researchers na sina Willemijn Lodder at Ana Maria de Roda Husman ng Dutch Centre for Infectious Diseases Control sa
The Lancet.
Naiulat na rin ng center, na nakadiskubre sila ng genetic material mula sa virus na nanggaling sa waste water sa Amsterdam.
Gayundin, ayon sa dalawa, maaaring ang waste water ay paraan upang maging “data source, indicating if the virus is circulating in the human population” o pagmumulan ng datos na ang virus ay kumakalat na sa mga tao.
“It could even allow experts to track the virus,” sabi ng French virologist professor na si Vincent Marechal ng Sorbonne University ng Paris.
Sa pag-aaral naman na ginawa sa waste water sa Paris – kung saan pagtitibayin pa ito ng ibang siyentipiko – napag-alaman nina Marechal at ang kanyang team na ang pagtaas ng lebel ng genetic material mula sa virus na nanggaling sa tubig na iyon “followed precisely the number of (coronavirus) deaths” o nagtala ng eksaktong bilang doon ng namatay.
Nanawagan na rin si Marechal para sa national waste water warning system ng France na makatutulong nang malaki sa “nagbabadyang ikalawang bugso” ng virus.
Sa naitalang bilang ng kaso ng coronavirus na mayroong kaunti o walang sintomas, ang waste water testing ay magiging senyales na makita agad ang virus bago pa magkaroon ng panibagong kaso, kung saan nakumpirma na ito sa mga hindi tinamaan ng pandemic at sa mga lugar na kontaminado naman ang tubig.








Comments