Concepcion- “Barangay Quarantine, mabisang solusyon sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19”
- Thea Janica Teh
- Apr 20, 2020
- 2 min read
Bulgarific

Inirerekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion na matapos ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon sa April 30 ay magkaroon ng selective quarantine sa barangay level pagtungtong ng Mayo.
“Huwag natin hayaan na ma-penalized ang mga barangay na COVID-free at sumunod sa utos ni Pangulong Duterte,” bahagi ni Concepcion.
Samantala, para naman sa mga barangay na may mataas ng bilang ng mga taong nagkaroon ng COVID-19, kinakailangan nilang mag-extend ng ECQ. “Ito ay magsisilbing incentives para sa mga Mayor, Barangay Captain at residenteng sumunod sa mga guidelines sa ilalim ng ECQ”, dagdag pa ni Concepcion.
Sa ilalim ng Barangay Quarantine, may kapangyarihan ang Mayor at Barangay Captain na magtakda at mag-implement ng lockdown sa hinahawakan nilang bayan. Ang IATF pa rin ang magbibigay ng guidelines sa mga namumuno kung kakailanganin pang mag-extend o hindi na.
“Kapag sinabi nating Barangay Quarantine, hindi tayo magsisimula sa pag-lockdown ng buong siyudad kundi, magsisimula tayong mag-quarantine sa mga barangay kung saan may mataas na bilang ng naimpeksiyon sa COVID-19,” sabi ni Concepcion. Ito ay para mas mag-focus sa mga barangay kung saan may mas nangangailangan ng mga kagamitan sa pagkalat ng virus.
Ang pagpapataw ng Barangay Quarantine ay depende sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 at maaaring tumaas sa City/Municipality Quarantine at Provincial Quarantine kung kakailanganin. Sa ganitong paraan, maaari ng matutukan ng militar at kapulisan ang mga bayan na may mataas na bilang habang ang mga public at private sector naman ay magpapatuloy sa pagkuha ng test sa mga residente.
Sa ganitong paraan, kung matagumpay na naisagawa, maaari ng maibalik muli ang ekonomiya ng bansa. Sa tamang pag-test sa bawat barangay, maaari na ring magpatuloy ang mga negosyong naantala at sa mga empleyadong huminto sa pagtatrabaho sa panahon ng ECQ. Ang Barangay Quarantine ang pinakamainam na solusyon para hindi na kumalat ang virus at maaaring gamitin hanggang sa makakita ng lunas dito.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments