top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malalaking ospital sa bansa, natanggap na ang milyun-milyong ayuda ng PhilHealth laban sa Covid-19

  • Thea Janica Teh
  • Apr 8, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Ipinahayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na umabot na sa P4.1 bilyon ang naaprubahan at kasalukuyan nang ipinapamahagi sa mga ospital na may mga kaso ng Covid 19.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito, sinisigurado ng Philhealth na ang mga ospital ay magkakaroon ng pondo para sagutin ang mga gastusin ng mga pasyenteng kasalukuyang naka-admit sa mga ospital. Makatutulong din ito sa pagbili ng testing kits, gamot, personal protective equipment at iba pang medical supply, na mga pangunahing kailangan ngayon ng mga ospital.

Sa sinasabing “ground zero”, ang NCR, dahil sa pinakamaraming kaso ng Covid-19 na naitala, tumanggap na ng ayuda ang mga ospital tulad ng UP-Philippine General Hospital ng P263.3 milyon; East Avenue Medical Center ng P134 milyon at Jose R. Reyes Memorial Medical Center ng P106.5 milyon. Samantalang para sa agarang pagkakawala na ang para sa Quirino Memorial Medical Center, P150 milyon; St. Luke’s Medical Center ng P146 milyon; The Medical City ng P141 milyon; St. Luke’s Global City ng P117 milyon; at Makati Medical Center ng P104 milyon.

Sa ibang rehiyon, natanggap na ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban ang higit sa P150 milyon; P119.3 milyon naman sa Bicol Medical Center sa Bicol at P46.8 milyon sa Lucena United Doctors Hospital sa Lucena at iba pa.

Bukod pa rito, pinoproseso na ang paglipat ng perang ayuda para sa National Kidney and Transplant Institute sa halagang P179 milyon; Baguio General Hospital ng P165 milyon; Northern Mindanao Medical Center ng P128 milyon at Dr Paulino Garcia Memorial Research and Medical Center ng P121 milyon.

Hinihikayat ng Ahensya ang ibang mga ospital na ipadala na ang kanilang mga hiling ng mga ayuda para maproseso na ang kanilang mga ayuda. Dobleng oras ang mga empleyado ng PhilHealth para siguradong ma-release ang tulong pinansyal sa iba pang mga ospital sa loob ng 5 araw pagtanggap ng kanilang hiling.

Samantala, nagpapasalamat ang Ahensya sa mga ospital na nakikipagtulungan na maipatupad sa polisiyang wala nang dapat bayaran ang mga pasyenteng nagpositibo sa Covid. Ayon sa Ahensya, wala nang dapat isipin pa ang mga kababayan natin kundi magpalakas at magpagaling.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page