LBC nagbigay ng P50M para sa mask program laban sa COVID-19
- Thea Janica Teh
- Apr 4, 2020
- 2 min read

Bulgarific
Isa ang LBC Express Inc. sa mga pribadong kumpanya na nagpahayag ng pagtulong laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng Php50 milyong donasyon na gagamitin para makabili ng suplay ng washable/reusable 2-ply masks. Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 sa bansa at suportahan ang mga high-risk na komunidad na apektado ng pagkalat ng nasabing virus.
Sa pakikipagtulungan ng LBC sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inaasahang ang pansamantalang pagbaba ng supply ng masks sa ilang komunidad ay matutugunan. “Ang sitwasyon ng bansa ngayon ay dapat magsilbing eye-opener para sa’ting lahat to do our part sa pamamagitan ng hindi pag-alis ng bahay, pagtugon sa pangangailangan ng mga umaalis para magtrabaho, o sa pagpapagaling ng mga may sakit. Alam namin sa LBC na mayroon kaming role na dapat gampanan at iyon ay to move together kasama ang mga matatapang frontliners, and join the fight,” ika ni Executive Director ng LBC Foundation, Nena L. Wuthrich.
“Sinimulan namin ang mask program na ito kaisa ng mga Pilipino — para atin nang tuluyang maflatten ang curve. Ang initiative na ito ay naglalayon ding turuan ang publiko ng tamang paggamit ng masks para maprotektahan, hindi lamang sila kundi pati ang kanilang kapwa. Naniniwala kami na ang mga mask na ito ay makaka-save ng maraming buhay,” sabi pa ni Wutrich. Ang anunsyo ng LBC na ito ay kasabay ng pahayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na nagrerequire sa publiko na magsuot ng kahit na anong klase ng mask bago lumabas ng bahay para maiwasan at mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments