Kahit tigil-trabaho | 40,000 Pinoy na empleyado ng POGO, tuloy ang sweldo
- Mylene Alfonso
- Mar 22, 2020
- 1 min read

Aabot sa P150 milyong halaga ng gamot, medical equipment at pagkain ang ipinagkaloob ng Association of PAGCOR-Accredited POGO Service Providers sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corp.(PAGCOR) bilang kanilang inisyal na tulong para sa kampanya ng pamahalaan na labanan ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Atty. Margarita Gutierrez, legal counsel at tagapagsalita ng asosasyon, bukod sa P150 milyong donasyon, ilang miyembro ng kanilang asosasyon ang nagbigay din ng financial assistance sa mga local government.
Dahil sa enhanced community quarantine na ipinaiiral sa bansa, pansamantala ring ipinatigil ang mga operasyon ng POGO sa bansa.
Siniguro naman ng asosasyon na nakahanda silang paswelduhin ang mahigit 40,000 Pinoy na nagtatrabaho sa mga POGO.
Sa mga foreign workers naman ng POGO, mahigpit ang kautusan ng asosasyon na manatili sila sa kanilang mga tirahan.
Pero, aminado rin si Gutierrez na dahil sa pananatili sa mga bahay ng mga POGO workers ilang mga community rin ang nagrereklamo.
Agad naman umano nila itong inaksiyunan, tulad ng pagpapatupad ng “no guest policy” sa mga POGO workers, para maipatupad ang social distancing at mabawasan ang galaw ng kanilang mga empleyado.
Dagdag pa ni Gutierrez, meron din silang ipinatutupad na food delivery scheme para sa kanilang mga manggagawa para hindi na kailangan pang lumabas ng kanilang tinutuluyan.
תגובות