Hatid-sundo sa Airport, bawal
- June Simon
- Mar 17, 2020
- 1 min read

Bawal na ang hatid-sundo sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ito ang pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), kahapon.
Ang pagpapatupad ng direktiba ay bilang bahagi ng pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Hindi na pinapayagan na makapasok sa apat na terminal ang ilang kaanak o kaibigan ng pasahero na dumarating mula sa ibang bansa at paalis ng Pilipinas.
At dahil dito, lumuwag ang bawat terminal ng NAIA dahil iilan na lamang ang makikitang tao sa waiting area kundi mga kawani na lamang na napapagawi sa naturang lugar.
Ayon kay MIAA Public Affairs Department head Connie Bungag, layunin nitong maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 batay na rin sa direktiba ng Department of Transportation na ipatupad ang social distancing protocol sa mga paliparan sa bansa.








Comments