top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

20 Durugista, huli sa Pot Session

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 8, 2020
  • 1 min read

CAMARINES SUR—Dalawampung drug addicts ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session kamakalawa sa tatlong bahay sa Bgy. San Agustin, Iriga City.

Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon.

Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nagsasagawa ng pot session ang mga suspek sa nasabing barangay kaya agad sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang mga drug addicts.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at drug paraphernalias sa pag-iingat ng mga suspek.

Samantala, nakatakdang sampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page