Super rich na kaya ang daming gustong umutang… Computer gaming rig ni Alden, halos kalahating milyon
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Pinag-usapan ang mamahaling motor at red Ferrari ni Alden Richards kamakailan pero hindi pa riyan natatapos ang pagiging “unreachable” ng Pambansang Bae.
Kasabay kasi ng pagte-trending sa social media ng hashtag na #AldenPautang ay ang kumalat na piktyur ng aktor sa tabi ng gaming rig at streaming setup.
Ayon sa tropa nating si Wikipedia, ang gaming rig ay: “A gaming computer, also known as a gaming PC or gaming rig, is a personal computer designed for playing video games that require a high amount of computing power.”
We all know naman na mahilig sa computer at mobile games si Alden.
Ayon sa Pep.com, ang owner ng Declassified Systems and Arcadia Internet Café na si Mark Van Acosta ang nasa likod ng custom-made gaming rig ni Alden na tinawag na Azure.
Si Paulo Avelino ang naging daan para magkakilala sina Alden at Mark at silang dalawa rin ang nag-setup ng gaming rig ng Pambansang Bae.
Nu’ng March 3, sa kanyang Facebook account ay idinetalye ni Mark ang pagkaka-setup nila ng gaming rig ni Alden at inisa-isa pa niya ang mga materyales nito maging ang mga ginamit nila para sa customized water-cooling system. Sa estimasyon ni Mark, pumapalo ang lahat ng ito sa halagang P450,000.
Wow! Iba ka talaga, Alden! Sana all!






Comments