Relasyon nila ni Willie, after kumalat… "Para ko nang tatay 'yun" — Sugar
- Ronalyn Seminiano
- Mar 3, 2020
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nagsalita na si Sugar Mercado sa pagkaka-link niya kay Willie Revillame. Sey ni Sugar, ‘di raw siya aware na may tsikang lumalabas patungkol sa kanila ng Wowowin host.
Aniya, “Hindi, kasi hindi ko ma-imagine na natsitsismis sa kanya. Para ko nang tatay ‘yun, para siyang tatay sa lahat, kuya siya ng lahat. So, mao-open mo sa kanya lahat, saka sobrang bait niya.
“Ako, kahit ano’ng mangyari sa future or what, ipagdarasal ko siya lagi, araw-araw, na humaba pa ‘yung buhay niya dahil sobrang ang dami pa niyang matutulungan na taong salat sa buhay, saka gusto ng pag-asa.”
Nanawagan din si Sugar na ihinto na ang chikang may namamagitan sa kanila ni Willie.
Aniya, “Nakakatawa ‘yun! Hindi… ihinto n’yo na ‘yan, kasi hindi talaga totoo.
“Mahal nating lahat si Kuya Wil kaya ipag-pray natin na tumagal pa ‘yung show niya at ‘yung buhay niya.”
Ipinagdarasal din daw niya ang love life ng Wowowin host. Aniya, “Wish naman nating lahat sa kanya, dahil sobrang buti ng puso niya, eh, may isang taong magmamahal sa kanya nang totoo at mag-aalaga sa kanya in the future. ‘Yun lang ‘yung prayers ko sa kanya, at sana, tayo ring lahat.”
Ipinaliwanag din ni Sugar kung bakit matagal-tagal din siyang hindi napanood sa Wowowin.
“Kasi, nag-focus ako sa kids ko. Kasi, medyo napabayaan… Hindi naman napabayaan, pero kailangan ko lang mag-focus sa kanila kasi sa school, ganyan, inayos ko muna lahat.”
Dalawa na kasi ang anak ni Sugar at single mom pa siya kaya siguro naintindihan ni Kuya Willie ang kanyang sitwasyon at nagpaalam din naman daw siya nang maayos sa Wowowin host.
Kuwento pa ni Sugar, “Eh, si Wil naman, alam niya na single mom ako at hindi ko talaga kayang mag-isa. Kasi siyempre, wala akong katuwang sa life, ever since na nahiwalay ako, wala naman akong boyfriend.
“So, nag-focus talaga ako sa kids ko. Kaya siguro alam din niya ‘yung pagmamahal ko sa mga anak ko, kaya ganu’n din niya ako tinutulungan dahil din sa mga anak ko, saka sa pamilya ko.”
Kunsabagay, kilala naman talaga si Kuya Wil sa pagkakaroon ng mabuting puso.





Comments