top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

27,000 minimum wage earners, nagkaroon ng sariling bahay!

  • Thea Janica Teh
  • Mar 1, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Masayang ipinamalita ng Pag-IBIG Fund na halos 27,145 ang inilabas na socialized home para sa minimum-wage at low-income members sa taong 2019.

Ang bilang ng socialized home loans ay 28% na bumuo sa total na 95, 276 home loans na na-released noong isang taon. Ito ay Php10.64 bilyon, 12% ng record-high home loan released nito na Php86.74 bilyon.

“Ang Affordable Housing Loan Program (AHP) o ang socialized housing loan program ng Pag-IBIG Fund ay itinaguyod para matulungan ang mga minimum at low-wage workers na gustong magkaroon ng sariling tirahan.

Ito ang ating paraan para matupad ang pangako natin kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan at bigyan ng magandang programa ang mga kabilang sa mababang sektor,” bahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees at Secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ang AHP ay para sa mga miyembrong kumikita ng Php15, 000 kada buwan sa loob ng National Capital Region (NCR) at Php12, 000 kada buwan para naman sa labas ng NCR. Sa ilalim ng programang ito, nag-aalok ang Pag-IBIG Fund ng subsidized rate na 3% per annum para sa socialized home loans na aabot sa Php580, 000.

Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang 3% rate ang pinakamababang maibibigay nito sa mga miyembro at nakalahad sa ilalim ng Republic Act No. 9679 o Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) Law of 2009.

“Dahil sa ating charter ay nagagawa ng Pag-IBIG Fund na maibigay ang pinaka-affordable at lowest rate na home loan para sa mga minimum at low-wage workers. Una itong inalok sa publiko noong May, 2017 at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago. Ito ay dahil gusto natin na maraming makakuha ng kanilang pinapangarap na bahay sa murang halaga. Bukod pa rito, pinababa rin natin ang insurance premium na nananatili sa pinakamababang monthly amortization na Php2, 445.30 para sa Php580, 000 socialized home loan.

Hindi lang ‘yan, hindi na kailangan pang magbayad ng cash ang mga miyembro para sa equity sa ilalim ng AHP. Lahat ng ito ay bahagi ng aming pangakong makapagbigay ng affordable at best home financing program sa ating mga miyembro,” dagdag pa ni Moti.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page