top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Negosyante, patay sa motorsiklo

Pabs Hernandez III
Feb 15, 2020
1 min read

Palawan — Patay ang isang negosyanteng babae nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Abongan, Taytay. Nakilala ang biktima na si Marieta Batuta, 53-anyos, nakatira sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Batuta ay aksidente itong nabangga ng motorsiklo na minamaneho ng hindi pa nakikilalang rider.

Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na driver ng motorsiklo para sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

 
 
 

header.all-comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page