Calamity loan para sa mga biktima ng Taal, extended!
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Magandang balita para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal dahil extended ang pagkuha ng Calamity Assistance Package (CAP).
Ibinahagi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio na naglaan ang ahensiya ng Php284.92 milyon para sa financial assistance benefit sa halos 28,680 apektadong miyembro at pensiyonado.
“Hinihikayat namin ang lahat ng miyembro at pensiyonado na nawalan ng tirahan o pangkabuhayan dahil sa pagputok ng Bulkang Taal. Gusto naming sabihin sa kanila na ang SSS ang isa sa kanilang mga matatakbuhan pagdating sa ganitong kalamidad,” sabi ni Ignacio.
Ang mga qualified regular-paying SSS members ay dapat naninirahan sa calamity-stricken areas na idineklara ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Bukod sa calamity loan, maaari rin silang kumuha ng Direct House Repair and Improvement Loan. Para naman sa mga pensiyonado, maaari silang mag-apply sa advance three-month pension. Ang probinsiya ng Batangas at Cavite ang ilan sa mga idineklara ng NDRRMC na under state of calamity.
Base sa SSS Circular 2020-002, ang mga aplikante ay kinakailangang magrehistro sa My.SSS facility para mas madali ang pagkuha ng kanilang billing letter.
Ang mga miyembro at pensiyonado ay maaaring magpasa ng kanilang aplikasyon mula January 22 hanggang April 21, 2020. Samantala, ang mga kukuha naman ng Direct House Repair and Improvement Loan ay maaaring magpasa hanggang January, 2021.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang pinakamalapit na SSS Branch sa inyong lugar o tumawag sa SSS Call Center hotline sa 1455. Maaari ring mag-send ng e-mail sa member_relations@ sss.gov.ph. Maaaring i-download ang application forms sa kanilang website sa www.sss.gov.ph.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments