P44 bilyong kinita ng PCSO nu’ng 2019, naipamahagi na
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Maraming pagsubok man ang dumaan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2019 ay ginamit nila ito bilang oportunidad na magawa ang kanilang mga adhikain na maayos ang management ng kanilang gaming products. Bukod pa rito, nakipagtulungan din ang PCSO sa iba pang government agencies para maraming Pinoy ang makakuha ng kanilang health care services sa buong Pilipinas.
Ayon kay PCSO General Manager Royina M. Garma, nagkaroon ng maraming pagbabago ang PCSO at ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti hindi lang ng ahensiya kundi pati na rin ng mga programa nito para sa mga Pilipino.
Noong 2019, Php 44 bilyon ang nalikom ng PCSO na nagmula sa number games, lotto at digit games. At ang nalikom na pondong ito ay inilaan sa mga Pinoy.
Nakapaloob sa Individual Medical Assistance Program (IMAP) ang medical assistance program, hospitalization at medical expenses. Noong 2019, Php6 billion worth of bills mula sa 517,696 pasyente sa buong Pilipinas ang nabigyan ng tulong. Samantala, 12,748 naman ang nabigyan ng medical at dental mission ng PCSO.
Inilaan naman ng PCSO ang Php5 bilyon sa Medicine Donation Program at Php110 milyon para sa Integrated Health for Overall Productivity and Empowerment (I-HOPE). Bukod pa rito, Php106 milyon ang inilaan para sa Medical Transport Vehicle Donation Program at Php65 milyon para sa medical equipment. Hindi lang ‘yan, nag-donate rin ang PCSO ng Php204 milyon para sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Health Facilities Capability Building Program.
Nabigyan din ng Php158 milyon ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, lindol at sunog sa ilalim ng Calamity Assistance Program ng ahensiya.
Bukod pa sa mga ito, isa sa mga accomplishments ng ahensiya noong 2019 ay ang ISO 9001:2015 certification at pagiging 1st runner-up sa Freedom of Information award for government-owned at controlled corporations mula sa Presidential Communications Operations Office.
Naging madali rin ang pag-aksiyon ng ahensiya sa mga problema at nalalaman na nila ang mga suhestiyon ng mga kababayan natin dahil sa kanilang “Ipaalam Kay Garma”.
“We have to remain resilient through change. Change is constant. In order for us to cope up well with change, we must be aware, be prepared and take actions,” bahagi ni Garma.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments