Wala raw itinatago sa GF, pero… Xian, aminadong nagsinungaling na kay Kim
- Vinia Vivar
- Feb 1, 2020
- 2 min read

Sobrang tindi ng lamig na tiniis nina Xian Lim at Cristine Reyes habang nagsu-shoot ng pelikulang Untrue sa Georgia. Halos lahat ng mga eksena ay kinunan sa Tbilisi, ang capital ng Georgia, at habang nandu’n sila ay bumagsak daw sa -1 degree Celsius ang temperatura na naging malaking hamon para sa kanila.
“Ang lakas ng hangin, drama pa ‘yung ginagawa namin, ang hirap talaga,” sabi ni Xian.
At dahil Untrue ang titulo ng movie, sa presscon na ginanap last Thursday ay natanong si Xian kung may time ba na naging untrue siya sa girlfriend na si Kim Chiu or lahat ba halos ay totoo ang kanyang sinasabi?
“I think naman, dapat sabihin. You have to be true to your partner. Wala naman akong ma-recall na one particular time (na naging untrue kay Kim).
But yeah, definitely, in general, dapat true ka,” sagot ni Xian.
Kahit white lies lang, wala? “Kung white lies, well, siguro,” sey niya.
Singit naman ni Cristine, “‘Yung white lies na kunwari, tinanong siya kung naligo siya or hindi.”
Natawa si Xian. Aniya, “Mga ganu’n, mga maliliit na bagay. ‘Yung white lies naman, huwag na nating isali.”
Natanong din ang dalawa kung paano ‘pag ang partner nila ang naging untrue sa kanila at kung napagdaanan na ba nila ito.
Umamin si Cristine na napagdaanan na niya ito pero dahil daw du’n ay natuto siya.
Natanong din siya kung ano ang ginawa niya nang matuklasan na naging untrue sa kanya ang minamahal niya.
“Siyempre, initial reaction was magagalit ka, tapos magtatanong ka, ‘Bakit, bakit?’ Tapos ending, kailangan mo ring patawarin ‘yung tao para ‘yung sarili mo, gumaan din ang pakiramdam,” sagot ni Cristine. So, napatawad na ba niya?
“Lahat, lahat ng mga naging untrue, kailangang patawarin,” she said. Kinumpirma rin ni Xian na naranasan na niya na naging untrue ang kanyang partner pero mas maganda raw kung pag-uusapan muna ang lahat bago gumawa ng desisyon.





Comments