top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Paumanhin ni: C.R. Fernando

What's In, Ka-Bulgar
Jan 30, 2020
1 min read

Ako ang kaluskos sa gitna ng katahimikan, tangan ang pananabik na nararamdaman.

Ako ang kalabog sa kalaliman ng gabi, nais dumantay ng mga salita ko sa iyong tabi.

Ako ang sa bintana ng mata mo’y kumakaway, sabik sa iyong ngiti—sa mukha mo nawa’y sumilay.

Ako ang hanging dumadampi sa iyong balat, palihim na umiirog at pagpansin mo lamang ay sapat.

Ako ang pulubing kumakalabit sa gitna ng iyong kaabalahan, humihingi ng limos nitong oras mo kahit sandali’y paglaanan.

Ako na kumakatok sa puso mo nawa ay papasukin, sa hindi mo inaasahang panahon kaya paumanhin.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page