Ibinuking ni Lotlot… Janine, may iba pang gusto, atras sa kasal kay Rayver?
- Vinia Vivar
- Jan 30, 2020
- 2 min read

Dahil katatapos lang ng kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, natanong si Lotlot de Leon kung susunod na ba rito ang anak niyang si Janine Gutierrez at boyfriend na si Rayver Cruz na kapatid ni Rodjun.
Ayon kay Lotlot, so far ay wala pa siyang nakikitang ganu’ng direksiyon sa kanyang anak.
“Si Janine kasi ‘yung tipong ‘pag may goal, she won’t stop until she gets it. So, I know that for now, kahit kantiyawan siya ng ‘Oh, you’re next, you’re next,’ wala sa ano niya ‘yun.
“I’m sure, she thinks about it. I know she hopes that one day, she will settle down. She wants to have kids, pero ngayon kasi, ang ano ni Janine is magtrabaho,” pahayag ni Lotlot nang makatsikahan namin pagkatapos ng management contract signing niya with Leo Dominguez.
Ready naman ba siya if ever na magsabi na sina Janine at Rayver sa kanya?
“Ipinagdasal ko nga na huwag siyang ikasal sa age na 17,” natatawang sabi ni Balot.
‘Yun kasi ang age na nagpakasal siya sa ex-husband na ngayong si Ramon Christopher Gutierrez. Buti na lang daw nalampasan na ni Janine ‘yun dahil 30 years old na ngayon ang kanyang anak.
“Whatever she decides to do with her life now is really up to her,” sey ni Balot.
Samantala, natanong din ang aktres kung kumusta na ang relasyon nila ng kanyang inang si Nora Aunor at aniya, “I think we’re on a quiet stage.”
Medyo matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkikita. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang mag-ina and ever since naman din talaga ay away-bati sila. Pero ang maganda, kung dati ay ayaw itong pag-usapan ni Lotlot, sa ngayon ay medyo komportable na siya kapag natatanong ito sa kanya.
Nang pag-usapan nga kung may effort ba na magkaayos sila, aniya ay meron naman, it’s just that hindi pa lang daw siguro talaga panahon.





Comments