top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

8 yrs. BF na pinagsilbihan at sinuportahan sa lahat, biglang na-fall out of love, nakipag-break

Roma Amor
Jan 30, 2020
1 min read

Dear Roma, Tawagin n’yo na lang akong Emem. Kahihiwalay lang namin ng ex-BF ko at umabot sa walong taon ang aming relasyon. Sobrang sakit dahil sa loob ng walong taon ay hindi ako nawala sa tabi niya, lalo na nu’ng bagsak ang career niya. Hindi ako nagsawang pagsilbihan siya, suportahan at iparamdam na hindi ko siya iiwanan, pero sinabi niya na nawala ang pagmamahal niya sa akin kaya gusto niya nang makipaghiwalay. I had no choice but to let him go dahil mahirap namang pilitin ang tao na mahalin ako kung wala na talaga. Ngayon, ang saya-saya niya, maganda na ang career niya, samantalang ako ay napag-iwanan. Ano ang gagawin ko? — Emem

Emem, Masakit mawalan ng minamahal, lalo na kung naglaan ka ng mahabang panahon para mabuo siya. Pero ngayong hiwalay na kayo at tulad ng sinabi mo ay napag-iwanan ka na, mabuting alagaan mo ang iyong sarili upang makabangon. ‘Wag mong madaliin ang pag-ibig kaya pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo. Gayundin, sa susunod na pagkakataon, ‘wag mong hayaan na hindi ka mag-grow habang nasa relasyon. ‘Ika nga, don’t lose yourself in the process. Makaka-move on ka rin. Fight lang!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page