top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Padyug at ilang beses nagpalaglag nu’ng college, hindi magkaanak nang mag-asawa, feeling nakarma

  • Roma Amor
  • Jan 29, 2020
  • 1 min read

Dear Roma, Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Bea, 28. Isa akong babaeng mababa ang lipad nu’ng mga panahong college ako. Aminado rin ako na ilang beses na akong nagpalaglag, ngunit, nagbago na ako. Gayunman, meron na akong asawa, pero hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak. Iniisip ko na ito na yata ang parusa sa akin ni God. Ano ang gagawin ko? – Bea

Bea, Sa sitwasyon mo, si God lamang ang makasasagot sa katanungan mo, ngunit, ‘wag kang mawalan ng pag-asa. ‘Ika nga, hangga’t may buhay, may pag-asa. Pagsisihan mo lang ang mga kasalanan na nagawa mo noon at siguradong patatawarin ka rin Niya. Gayunman, ibibigay Niya ang iyong hinihiling sa tamang panahon at pagkakataon basta magtiwala ka lang. Good luck and God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page