Calamity loan at tulong-pinansiyal ng SSS sa mga biktima ng trahedya
- Thea Janica Teh
- Jan 29, 2020
- 2 min read
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Sunud-sunod ang naging trahedya sa Pilipinas bago pa nagtapos ang taong 2019, gayundin sa pagsalubong ng Bagong Taon, ang 2020. Kaya naman maraming kababayan natin ang naapektuhan at nangangailangan ng tulong.
Ang Social Security System (SSS) ay naglabas noong 2019 ng Php58.50 milyon para sa 5,700 miyembro at pensiyunado na kumuha ng Calamity Assistance Package (CAP).
“Lubos na nakalulungkot ang sunud-sunod na sakuna na nangyari sa atin at maraming Pinoy ang nawalan ng tirahan at kabuhayan. Kaya bilang bahagi ng ating mandato na tulungan at bigyan ng proteksiyon ang mga miyembro at pensiyunado nito, sa paraang ito, maaari nilang magamit ang CAP sa pagbubuong muli ng kanilang matitirhan at makapagsimulang muli ng kabuhayan,” sabi ni Aurora C. Ignacio, SSS president and chief executive officer.
Ngayong pagpasok ng 2020, nakapag-disburse na ang CAP ng Php 58.19 milyon para sa calamity loan at Php308,000 naman para sa advance three-month pensions.
Ang CAP ay iba sa regular salary loan. Ang mga miyembro ay maaaring humiram ng Php20,000 sa calamity loans na nakadepende sa kanilang average monthly salary na na-credit sa loob ng 12 buwan. Maaari ring makakuha ng financial assistance ang mga pensiyunado. Maaari silang mag-apply ng advance three-month pension. Samantala, maaari ring mag-apply ang miyembro ng direct housing repair at improvement loan.
Ang calamity loan ay maaaring bayaran ng hanggang dalawang taon na may annual interest rate na 10% at 1% monthly penalty para sa late payment. Samantala, para sa mga pensiyunado na gustong mag-avail ng advance three-month pension, magpasa lamang ng barangay certification bilang patunay na ito ay nakatira sa lugar kung saan naapektuhan ng kalamidad.
Para maging kuwalipikado sa direct house repair at improvement loan, kinakailangang ang edad ay hindi tataas sa 60 at may at least 24 month contributions.
“Para sa mga miyembro na hindi pa nakakakuha ng mga programang ito ay maaari nila itong i-check sa aming website sa sss.gov.ph o bumisita sa pinakamalapit na SSS branch. Sana ay makatulong ang maliit na halagang ito sa mga miyembro at pensiyunado ng SSS na nasalanta ng kalamidad” dagdag pa ni Ignacio.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments