Kalilipat pa lang daw sa Siyete, may attitude na… Kisses, aminadong matigas ang ulo at pasaway
- Beth Gelena
- Jan 27, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @kissesdelavin
Sa paglipat ni Kisses Delavin sa GMA-7, inakusahan agad siyang may diva attitude.
Sa Mars Pa More kung saan guest nina Camille Prats at Iya Villania-Arellano ang young actress ay nagpaliwanag si Kisses.
Aniya, “Ako po si Kisses Delavin at ang kaso ko po is what you see is what you get.”
Tinanong siya ni Camille kung ano ang nangyari at paliwanag ni Kisses, “Kasi sa showbiz kailangan mong gawin ‘yung ibang bagay na minsan, hindi ka komportableng gawin, and minsan, nagkakaproblema po ako kapag hindi ko ginagawa ‘yung kailangan kong gawin.”
Si Iya naman ang nagtanong na, “Parang lumalabas, may attitude ka or choosy ka?”
“Opo,” sagot ng young actress na kasama ni Ai Ai delas Alas sa pelikulang D’ Ninang.





Comments