top of page

Ugali ng BF, nabuking nang makasama abroad… Kim, ibinulgar na lumalabas ang sungay ni Xian 'pag

  • Julie Bonifacio
  • Jan 26, 2020
  • 3 min read

Kitang-kita sa mga mata nina Kim Chiu at Xian Lim ang epekto ng kanilang bakasyon sa Europe recently nang kausap namin after the presscon para sa bago nilang teleserye na Love Thy Woman ng ABS-CBN.

In fact, ang gaan-gaan ng awra nina Kim at Xian kaya lahat ng tanong sa kanila ng media and bloggers, all-smiles nilang sinagot.

Malaking bagay daw ang pagta-travel nilang dalawa para mas makilala ang isa’t isa.

“Ahhh, masaya,” ngiting-ngiting sabi ni Kim.

“Nakikilala namin ang isa’t isa. And then, nagawa namin ‘yung gusto namin na meron kaming kasama.”

Sabi naman ni Xian, “Tapos, doon mo rin makikilala ‘yung tao. Makikita mo ‘yung patience niya, ‘yung mga mannerisms and all things that you don’t really get to see ‘pag nasa comfort zone na kayo.”

Marami pa raw silang gustong puntahang mga bansa.

“Marami pa. Marami pang puwedeng i-explore sa mundo,” say ni Xian.

Pambubuking ni Kim kay Xian, mainipin ang kanyang boyfriend.

“Ako (mahaba ang pasensiya), gutumin ‘to (Xian), eh. ‘Pag hindi siya pinapakain, lumalabas na ‘yung ano niya (sungay), roar!”

Kikiligin tiyak ang mga KimXi fans sa sagot ni Xian sa tanong on how much he loves Kim.

“Wholeheartedly, buong puso,” pagkatamis-tamis na sabi ni Xian. In return, si Kim naman ang tinanong how much she loves her man.

“Ay, ‘di kasali sa title ‘yun. Hanggang woman lang daw ‘yung title,” sabay tawa niya.

Pero agad nagseryoso si Kim sa pagsagot, “Hindi mo naman kailangang sabihin, ‘di ba?”

It’s been couple of years nu’ng huling nagtambal sa isang serye sa Kapamilya Network sina Kim at Xian, ang The Story of Us, kaya sobra raw nilang na-miss ang magkasama sila sa set.

“Opo, sobra,” diin ni Kim.

“Nu’ng nag-eksena, pinanood namin ‘yung sarili namin sa monitor, parang nakakapanibago pala. So, ‘yun. Sobrang excited kami. Sobrang thankful.

Sana, suportahan siya ng mga tao.”

At dahil malapit na rin ang Valentine’s Day, tinanong na namin ang dalawa kung ano ang plano nila on that special day para sa mga lovers.

“Every day lang po kami nagpaplano. Wala po kaming plano,” sagot ni Kim.

Ganu’n din ang sabi ni Xian, “Walang plano, eh. Every day is Valentine’s Day sa amin, eh.”

Si Kim ang tinaguriang Primetime Princess, kaya ang tanong ng ibang manunulat ay bakit sa Kapamilya Gold (panghapong airtime ng Dos) ipapalabas ang Love Thy Woman?

“Siguro sa panahon ngayon, wala na ‘yung panggabi, pang-umaga, panghapon. Kasi, meron na ring iWant TV. And then, may internet na. And then, hindi naman sukatan ng pagiging artista mo kung saan ka ilagay. Siguro ganu’n. Same energy, same effort. Parehas lang ‘yun, kung saan ka ilagay, umaga, tanghali, kahit sa madaling-araw pa, parehas lang na akting ang ibibigay mo. Hindi naman tsa-chopsuey ‘yan. Hindi ka naman ilalagay doon kung hindi ka pinagkakatiwalaan,” paliwanag ni Kim.

Sa seryeng Love Thy Woman ay natalakay ang tungkol sa ‘arranged marriage’ na isa sa mga kaugalian ng mga Intsik. At dahil may Chinese blood si Kim, inalam namin kung may insidente ba na ipinasok siya ng parents niya sa isang ‘arranged marriage.’

“May arranged marriage lang po kapag sobrang yaman ng pamilya ko. Pero kapag Chinese ka na sakto lang ang pera mo, wala naman. Hahaha!” Pero pabor ba siya sa kulturang ito ng mga Intsik?

“Kasali naman po talaga ‘yun (sa mga) Chinese. Pero ako po kasi, lumaki ako sa lola ko na hindi naman siya sobrang yaman. Wala siguro silang karapatang mag-arranged marriage. ‘Yung lola ko, naka-arranged marriage siya, opo. Pero sinabi niya ‘yung mga apo, anak niya, hindi niya nagawa.”

And speaking of marriage, inaantabayanan na ng iba kung kailan magpo-propose si Xian kay Kim.

“Eh, bata pa kami. Matatanda na ‘yung mga nagpapakasal. Matanda talaga? Hahaha! Mas older sa amin. Gusto pa naming mag-travel.”

Madiin ding sinabi ni Xian na hindi pa nila napag-uusapan ni Kim ang tungkol sa kasal.

“Huwag na nating anuhin, unahan, or, dito muna tayo,” pakli pa ni Kim. ‘Yun na.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page