top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di na kinaya ang pamba-bash ng mga netizens… Issa, nagsalita na sa pagiging third party sa Jadi

  • Vinia Vivar
  • Jan 25, 2020
  • 1 min read

Photo: @pressmanissa

Ilang araw nang pinagpipistahan sa social media ang hiwalayang James Reid-Nadine Lustre kung saan kasunod nga ng inilabas nilang official statement sa Tonight with Boy Abunda na kumpirmasyon ng kanilang breakup, nadawit ang pangalan ni Issa Pressman, younger sis ni Yassi Pressman, bilang third party.

Matatandaang nu’ng unang pumutok ang issue, ayon kay Yassi ay ayaw magsalita at patulan ng kanyang kapatid ang pag-uugnay dito kay James at naglabas pa nga ng picture ang leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano kung saan magkasama sila ni Nadine na pinagtatawanan lang ang mga lumalabas sa socmed.

Pero after three days na ayaw pa ring tantanan si Issa ng ilang netizens dahil nga sa lumabas na video na bagama’t malabo naman ay sinasabing nagho-holding hands at naghahalikan sila ni James sa isang party habang nakatalikod si Nadine, finally ay nagsalita na rin ang kapatid ni Yassi.

Sa kanyang Instagram account kahapon, bagama’t hindi na-mention ni Issa ang name nina James at Nadine, obviously ay tungkol sa pagkakadawit niya sa breakup ang kanyang post.

Laman ng IG post ni Issa, “If I stay silent, I’m “guilty”. If I stand up for myself, I’m “defensive”. The world judges either way. But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick.”

Dagdag pa niya, “Soooooooooo, let’s all move on.”

Well, sa direktang paglilinaw na ito ni Issa Pressman sa pagkakadawit ng pangalan niya sa JaDine breakup, siguro naman ay mananahimik na ang mga netizens na patuloy siyang idinidiin at hinuhusgahang third party.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page