100 tricycles, ipinautang bilang tulong sa mga driver
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Isa sa mga pangunahing problema ng mga tricycle drivers sa Pilipinas ay ang kawalan ng kapasidad na makabili ng sariling tricycle unit at ang maliit na “take home pay” dahil sa malaking boundary na kailangan nilang bayaran sa kanilang operator, araw-araw.
Kaya naman, narito ang Global Mobility Service, Inc. (GMS) para tulungan at mabigyan ng oportunidad na makapag-apply ng tricycle loan ang mga taong gustong magkaroon ng sarili nilang tricycle unit. Sa katunayan, sa tulong ng GMS, Inc., 100 tricycle drivers ang nagkaroon ng sariling unit.
Halos 1,500 katao ang nagsama-sama noong Enero 7 sa PICC Reception Hall dahil sa matagumpay na 6th Graduation Ceremony para sa mga drivers at operators na matagumpay na nakatapos at nakapagbayad ng kanilang tricycle unit. Ito ay inorganisa ng GMS, Inc. kasama ang NCR TODA para kilalanin ang masisipag na drivers kasama ang kanilang mga pamilya.
“GMS aims to improve the living standards of households for multiple generations and create a positive chain to the society,” bahagi ni Tokushi Nakashima, president ng GMS, Inc..
Bukod sa pagkilala sa mga masisipag na drivers, inanunsiyo na rin ang mga bagong loan systems tulad ng car at educational loans.
Kabilang sa mga official sponsors ng naturang event ay ang DNP (gold sponsor), Kawasaki Heavy Industry, Trimotors Technology Corporation (silver sponsors), AEON Credit Service Philippines (bronze sponsor) at Mitsubishi Motors Phils., Security Bank, Suy Sing at K Servico Trading (regular sponsors).
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments