5 yrs. nang magdyowa… Liza, umaming kabaliwan nang mahalin si Enrique

Para kay Liza Soberano, ang “craziest thing” na ginawa niya ay ang mahalin si Enrique Gil at an early age, 17.
Ngayon ay 22 years old na ang aktres at kung bibilangin ay 5 years na ang relasyon nila ni Quen, and going stronger.
Ayon naman kay Quen, sobrang pinatunayan din niya sa pamilya ni Liza na talagang mahal niya ang dalaga kaya bandang huli ay pumayag na rin ang mga ito sa kanilang relasyon.
Sa presscon ng upcoming teleserye nila ni Quen na Make It With You ay naungkat ang maugong na balitang may wedding plans na sila ni Liza na agad din nilang nilinaw.
Ayon sa aktres, if ever na dumating naman sila sa ganu’ng desisyon ay sasabihin nila at hindi itatago. Before 30 ang preferred age ni Liza para magpakasal.
Sey ni Quen, “Of course, siyempre, kailangan ko ring irespeto ‘yung age niya, ‘yung career namin ngayon, but huwag kayong mag-alala, promise, malapit na.”
Hindi naman daw sila nagmamadaling magpakasal dahil gusto pa nilang makagawa ng magagandang projects together, mag-travel at marami pang iba.
“And maybe a business together?” dagdag pa ng aktres.
Samantala, ang Make It With You ay ang pagbabalik sa teleserye ng LizQuen after Bagani in 2018. Sa trailer pa lang ay kitang-kita nang kakaibang-kakaiba ito sa huling serye nila.
Ang Make It With You ay romantic-comedy na kinunan pa ang ilang bahagi sa Croatia.
Magsisimula na ngayong Lunes (Jan. 13) ang Make It With You sa Primetime Bida ng ABS-CBN at kasama rin sa serye sina Herbert Bautista, Ian Veneracion, Katya Santos, Fumiya Sankai, Eddie Gutierrez, Pokwang at Vangie Labalan.
Also in the cast are Jeremiah Lisbo, Anthony Jennings, and Daniela Stranner. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano at panulat ni Mark Angos.





Comments