top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rider sugatan sa pick-up

Pabs Hernandez III
Jan 4, 2020
1 min read

ILOCOS NORTE — Sugatan ang isang rider nang mabangga ng pick-up ang sinasakyan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Pias Sur, Currimao.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodel Alamon, 40-anyos residente ng nasabing barangay.

Ayon sa mga saksi, habang minamaneho ni Alamon ang kanyang motorsiklo ay nabangga ito ng puting pick-up, pero imbes na tulungan ang biktima ay tumakas pa ang driver ng sasakyan.

Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot sa pagamutan.

Pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na driver ng pick-up upang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury at damage to property.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page