top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya wa' 'K' mag-Best Picture… MMFF Entry ni Aga, 'di orig, ginaya lang sa Korean mo

  • Erlinda Rapadas
  • Dec 30, 2019
  • 1 min read

Hindi man pinalad na ma­nalong Best Actor ng MMFF 2019 si Aga Muhlach sa kabila ng marami ang nagsasabing very much deserving siyang manalo sa kanyang role sa Miracle in Cell No. 7, still, big achievement na rin on Aga’s part ang pataubin ang isang Vice Ganda sa box office.

Kahit 28 years na siyang hindi nagkaroon ng entry sa MMFF nang magdesisyon na mag-lie-low muna sa showbiz, still, napatunayan ni Aga na marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya bilang aktor. Bankable actor pa rin siyang ma­tatawag dahil sa malakas na hatak sa mga moviegoers.

Personal naming nasak­sihan kung gaano katindi ang impact ng Miracle in Cell No. 7, dahil hindi lang mga bata ang nanood ng movie, pati bu­ong pamilya ay magkakasama sa loob ng sinehan. Nagka­kaisa silang nagsasabing ma­ganda ang pelikula na base sa hit Korean movie.

Mas maganda at nagustuhan nila ang Pinoy version nito at ang pagkakaganap ni Aga bilang tatay na may kakulangan sa pag-iisip.

‘Yun nga lang, kahit maganda ang istorya at ma­gagaling ang mga artistang bumubuo ng cast, hindi puwedeng maging Best Picture dahil hindi ito original na gawa ng Pinoy kundi adaptation lang mula sa isang Korean movie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page