Break na raw sa model GF na ipinalit kay Erich… Sigaw ng netizens: Daniel, guwapo lang, wa'datun
- Beth Gelena
- Dec 30, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @dandanmatsunaga
Break na raw ang ex-BF ni Erich Gonzales na si Daniel Matsunaga sa Polish model GF nitong si Karolina Pisarek. Ang dahilan umano ng hiwalayan ng celebrity couple ay infidelity ng Brazilian model-actor.
Si Karolina ay parte ng fifth edition ng Top Model, pero sa kasamaang-palad, hindi siya nag-win. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang international career. Pasok ang maganda niyang mukha sa world of TC Candler.
Dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Daniel at Karolina.
Sa socmed account ng Brazilian actor, binati niya ng “Merry Christmas” ang girlfriend, pero no reply si Karolina. Napansin ito ng mga netizens kaya tanong nila, together pa ba ang dalawa?
Espekulasyon ng ilan, kaya raw hindi nagre-reply ang Polish girl ay dahil, “He must have broken her heart.”
Ayon pa sa isang netizen, “I read and the Google translated a Polish article saying she parted ways with him because he couldn’t be in a monogamous relationship. Maybe he cheated on her.”
May nagsasabi naman na, “Si Daniel and his moves, ‘pag kaka-break, patay-malisya kuno.”
Pakiusap pa nila, ‘wag na raw bigyan ng project ang Brazilian actor dito sa ‘Pinas dahil mas maraming deserving sa kanya.
“Bakit laging iniiwan si Daniel? Just a thought. Or maybe he’s just too good for them.”
“Walang pera. Kukupas rin ‘yung looks. Kung walang stable work, still, consistent na income, stream, walang babaeng magtatagal diyan. Especially ang mga type niya, eh, mga high maintenance na babae.”
Ayon pa sa ibang netizens, talagang mahihirapang makahanap ng matagalang GF si Daniel tulad nu’ng maging sila ni Erich Gonzales. Wala raw kasing permanent source of income ang Brazilian actor.
“Ang gandang lalaki ay kumukupas din. At kung ang girl ang laging gumagastos, siyempre, magsasawa rin sila,” saad pa ng netizen.






Comments