Unfair daw sa mga kalaban sa MMFF… Movie nina Coco at Jennylyn, ipapalabas sa ibang bansa, pinalagan
- Nitz Miralles
- Dec 29, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ilang Christmas eve na rin na nakikita naming kasama ng pamilya ni Dennis Trillo ang GF niyang si Jennylyn Mercado. Parang sa bahay nina Dennis nag-celebrate ng Noche Buena ang magkasintahan at may nakita kaming litrato na kasama nila ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz at ang ama nitong si Noli Pineda.
Ang lagi naming inaabangang picture o kaya’y video ay ‘yung nagdya-jamming sina Dennis at Jennylyn with their respective fathers, kaya lang, parang walang ganoong pangyayari this year. Wait natin sa New Year’s eve.
Ibinalita pala ni Jennylyn na showing na rin sa Middle East ang movie nila nina Ai Ai delas Alas at Coco Martin, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
May nagtatanong kung isasama sa box office gross ang magiging gross sa Middle East at iba pang lugar sa ibang bansa. Unfair daw ito sa ibang MMFF entries na hindi ipapalabas sa ibang bansa. Tanungin natin ang MMFF tungkol dito.
Also, after ng movie nila ni Coco, ang Descendants of the Sun naman na pinagtatambalan nina Jennylyn at Dingdong Dantes ang aabangan ng mga fans ng aktres. Lalong nabitin ang mga fans nang mapanood ang full trailer ng Philippine at GMA adaptation ng hit Koreanovela dahil gusto na nila itong subaybayan sa telebisyon, kaso kailangan nilang maghintay ng ilang buwan pa bago ang worldwide premiere ng DOTS.
Hindi na yata babaguhin ng GMA-7 ang airing schedule nila kahit mauna ang ABS-CBN sa airing ng A Soldier’s Heart na tungkol din sa mga sundalo.
Sa January 2020 na ang airing ng A Soldier’s Heart na pagbibidahan ni Gerald Anderson.





Comments