top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga apektado ng bagyong Tisoy, puwedeng makapag-loan sa SSS

  • Thea Janica Teh
  • Dec 27, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Halos 68,000 miyembro at pensiyunado ng Social Security System (SSS) ang naapektuhan ng Bagyong Tisoy, kamakailan. Kaya naman, ipinaaalam ng SSS na maaari silang kumuha ng Calamity Assistance Package (CAP) na may total fund allocation na mahigit Php 614.52 milyon.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang mga apektado ng Bagyong Tisoy sa Southern Luzon at iba pang parte ng Visayas Region ay maaari nang makakuha ng calamity loan, direct house repair, improvement loan at advanced three months pension mula December 20, 2019 hanggang March 19, 2020, puwera sa direct house repair at improvement loan.

“Ito ay para malaman ng bawat miyembro at pensiyonado ng SSS na handang tumulong ang ahensiya sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa ganitong sakuna na hindi natin inaasahan,” dagdag pa ni Ignacio.

Ang mga miyembro at pensiyunadong naninirahan sa mga idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang under state of calamity ay qualified sa pagkuha ng calamity loan, direct housing repair, improvement loan at three-month advance pension.

Ilan sa mga bayan na idineklara bilang under state of calamity ay ang Batangas City; Mabitac, Laguna; Provinces of Quezon, Cavite, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque; Corcuera, Romblon at San Fernando sa Romblon at Northern Samar.

Ang CAP ay iba sa regular salary loan. Ang mga miyembro ay maaaring makakuha ng hanggang Php 40, 000 sa calamity loan na nakadepende sa kanilang 12 buwan salary credit. Bukas din ang financial assistance na ito sa mga pensiyunado kung saan maaari nilang ma-avail ang three months advance pension.

Ang calamity loan ay maaaring bayaran sa loob ng dalawang taon na may annual interest na 10%. Ang mga kukuha ng three-month pension ay kinakailangang magpasa ng barangay certificate na nagpapatunay na sila ay residente ng bayan na lubhang naapektuhan ng sakuna.

Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar o tumawag sa kanilang SSS Call Center hotline 1455. Maaari ring mag-e-mail sa member_relations@sss.gov.ph. Ang application forms ay maaaring i-download sa kanilang website sa www.sss.gov.ph.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page