'Di kasama si Ion… Vice, late na, agaw-eksena pa sa MMFF parade of stars
- Ronalyn Seminiano
- Dec 23, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Maagang nagdatingan ang mga stars na kasali sa taunang Metro Manila Film Festival sa ginanap na Parade of Stars kahapon sa Lakeshore, Taguig.
Kahit may kainitan ang panahon, maraming fans ang nag-abang sa naggagandahang floats ng mga pelikulang kasali sa festival.
Ang cute at super-girly ng float ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na pinagbibidahan nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas. Pink ang naging motif nila at may pa-big lollipops pa ang design.
Parang dinala naman ng Culion nina Iza Calzado, Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith ang Culion Island sa parada dahil may pakubo pa ang float nila.
Hindi nagpahuli ang Mindanao na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. May pa-dragon boat sila na napakakulay at bongga rin ang mga payong! Kitang-kita ang kulturang Pinoy na tila ba hinaluan ng Spanish at Chinese designs. Ewan, basta ‘yun ang tingin ko, hahaha!
Tiyak namang nagustuhan ng mga kids ang float ng Miracle in Cell No. 7 nina Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla dahil sa cutie stuffed toys na design nila.
Ang Mission Unstapabol: The Don Identity naman nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza, tila Spongebob ang peg. Charot! May pa-star fish at corals ang disenyo ng kanilang float.
Ramdam na ramdam naman ang katatakutan sa Sunod nina Carmina Villaroel, Mylene Dizon at JC Santos. May malaking creepy hand ang float nila.
Ibinalik naman ng Write About Love ang essence ng handwritings when it comes to love. May pa-big pen and paper sila at ramdam na ramdam ang spirit of love dahil sa mga bonggang heart designs ng float nila. Pinagbibidahan ito nina Yeng Constantino, Rocco Nacino, Miles Ocampo at Joem Bascon.
And finally, ang The Mall, The Merrier nina Anne Curtis at Vice Ganda ay may pa-big gift at pa-lego pa na talagang pang-Christmas ang tema.
Pero speaking of Vice, marami ang nalungkot dahil wala ang Unkabogable Star sa umpisa ng parade hanggang sa nagulat ang lahat nang makita ang It’s Showtime host na sakay ng motorbike at kumakaway-kaway pa. Agaw-eksena si Vice pero hindi niya kasama ang BF niyang si Ion Perez.
Nasa bandang Bicutan na ang parade nang makahabol si Vice. Galing pa kasi siya sa A.S.A.P Natin ‘To.





Comments