Budget sa Christmas party ng PCSO, ido-donate sa mga biktima ng kalamidad
- Thea Janica Teh
- Dec 19, 2019
- 1 min read
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ang Kapaskuhan ay hindi lang pagdiriwang ng pagbabahagi ng regalo kundi ito rin ang oras ng pagbibigay ng sakripisyo sa mga mas nangangailangan.
Kaya naman, inanunsiyo kamakailan nina PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili, Vice-Chairperson and General Manager Royina Garma at lahat ng Board of Directors na hindi na magdiriwang ng Christmas party ang ahensiya na gaganapin dapat ngayong December 20 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang budget na nakalaan para sa kanilang Christmas party ay ibibigay na lamang sa mga pamilyang naapektuhan ng iba’t ibang sakuna na nangyari sa ating bansa. Kamakailan lamang ay nag-donate ang ahensiya ng Php4.4 milyon sa 15 municipalities sa Cagayan at iba pang rehiyon na naapektuhan ng mga Bagyong Quiel at 'Tisoy' tulad sa Mindoro, Marinduque, Visayas at Bicol Region.
Napagdesisyunan ni GM Garma kasama ang PCSO Board of Directors na i-postpone ang agency-wide celebration para suportahan ang mga mas nangangailangan nating kababayan.
Ito ay inanunsiyo ni GM Garma sa kanilang regular flag ceremony, “Although we already made a significant contribution to the victims of calamities, we felt that kulang pa ang naibigay natin sa kanila kaya nakapagdesisyon kami na yung budget sa Christmas party ay ibahagi natin sa mga taong mas may pangangailangan,” saad niya.
♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments