Pupu na ayaw lumubog kahit i-flush, sign na susuwertehin
- Socrates Magnus
- Dec 14, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Nadine ng Nadine_Mheng@face-book.com
Dear Professor, Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? Palagi kasi akong nananaginip ng dumi ng tao at palagi kong ipina-flush, pero ayaw lumubog.
Naghihintay, Nadine
Sa iyo Nadine, Ganito ang sabi, para suwertehin ang tindahan, ang gamiting lalagyan ng benta ay arinola. Kaya ngayon, makikita natin na ang arinola ay pinaglalagyan ng pera.
Hindi ito mauuso kung ito ay hindi epektibo. Dahil dito, ang arinola ay mabisang pampasuwerte.
Ngayon, pagandahan ng inodoro ang mga tao dahil kapag maganda ang inodoro, ang bahay ay pananahanan ng mga suwerte kaya ang inodoro na marumi at pangit ay makikita sa bahay na hindi binubuwenas ang mga nakatira.
Ito ay dahil ang inodoro ay isa ring mahusay na pampasuwerte sa buhay.
Kapag napanaginipan ang dumi ng tao, ito ay sumisimbolo ng mga suwerte. Hindi naman nakakapagtaka dahil ang arinola at inodoro ay pampasuwerte.
May mga suwerteng kaloob ng langit para sa tao na sa ayaw o gusto niya ay mapupunta sa kanya dahil kapag ang langit ang may gusto, tiyak na magkakatotoo.
Ito mismo ang sabi ng iyong panaginip, ayawan o iyong pag-alinlanganan, ang mga suwerteng kaloob ng langit ay mapasasaiyo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments