Babu na rin sa Viva? Nadine, pumirma na sa kumpanya ni James
- Nitz Miralles
- Dec 12, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Tanong ng mga fans, nakakontrata pa raw ba sa Viva Records si Nadine Lustre? Kung wala nang kontrata, kailan nag-expire?
Kaya ito tinatanong ng mga fans ay dahil pumirma si Nadine ng recording contract sa record label ng boyfriend niyang si James Reid na Careless Music Manila noong isang araw.
Nakasabay pang pumirma ng kontrata ni Nadine sa Careless Music Manila ang iba pang bagong recording artists ng independent record label ni James.
Comment ng mga fans, baka ang kasunod nito, umalis na rin si Nadine sa Viva Artists Agency at pumirma na rin sa management company ni James na Reid Entertainment, Inc.
Hintayin natin ang pahayag ng Viva Entertainment sa balitang ito na hindi na ikinagulat ng JaDine fans.





Comments