top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ibang level na raw siya… Aga, ikinumpara sa baguhang batang aktor, todo-palag

  • Mercy Lejarde
  • Dec 11, 2019
  • 2 min read

Photo: TWBA

Sa grand mediacon ng Viva Films’ Miracle in Cell No. 7 ay inamin ni Aga Muhlach na panga­rap niya talagang makasama sa Metro Manila Film Festival lalo na ngayong 2019.

“Bakit ko pangarap na makasama (sa MMFF)? Kasi, gusto kong makasa­ma ‘yung mga pinagkakaguluhang ar­tista ngayon, like sina Vice (Ganda), Coco (Mar­tin), Vic Sotto, kasi ‘pag pinag-uusapan pa­rati ‘yan, sabi ko, ‘Ang sarap si­guro silang makasama.’ Parang ganu’n.

“So, parang ‘yun ang pi­napangarap ko. Sana, mag­­ka­roon ako ng peliku­lang ga­nu’n na parang feeling ko, mas less pressure ang festival kesa mag-showing ka sa gitna ng taon. Kasi, puro ga­nu’n ako, eh.

“Kasi, ang festival has its own promo. Like people are waiting for Christmas and people watch movies, ‘di ba? Hin­di ‘yung in the middle of the year, magpo-promote ka ng pelikula mo at magda­rasal ka talaga, manga­ngarap ka na sana, kumita talaga ‘yung pelikula mo.

“So, para mapabilang ka­mi sa malalaking pelikula is malaking bagay para sa aming lahat.”

Wala rin sa bokabularyo ng aktor ang salitang kom­pe­tisyon.

“Even before, when I was younger, you know, they competed me with actors, tuwing may bagong artista, sa akin ikukumpara, iko-compete sa akin, ganu’n.

“Hanggang minsan nga, 40 plus na ako, ikino-compare ako sa 20-year-old na bago, parang sabi ko, ‘Tama na.’ Sabi ko, ‘Ibigay na natin sa kanila ‘yan.’

“So, now, I’m just happy. Sabi ko nga, grateful ako na makahanay kami, itong maliit naming pelikula, sa mabibigat na­ming kalaban. I mean, not kalaban but ka­sama sa 8 pelikula sa Metro Manila Film Festival,” paliwanag ni Aga.

Very well said, Aga!

Co-stars din ni Aga sa Mira­cle in Cell No. 7 sina Joel Torre, Bela Padilla, Mon Confiado, Soliman Cruz, JC Santos, John Arcilla at ang child star na si Xia Vigor sa direksiyon ni Nuel Cri­­sos­tomo Naval at showing na this coming December 25.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page