top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Imported na isda, problema ang dala, hindi solusyon sa krisis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2019
  • 2 min read

'Yung isdang pang-masa noon, pang-mayaman na ngayon?!

Grabe ang itinaas ng presyo ng galunggong. Batay sa mga report, sa Mega Q-Mart, mula sa dating P160, naging P330 kada kilo na ito ngayon; sa Pasig City Market ay P240 naman mula P120, habang sa Muñoz Public Market ay hanggang P360 naman ang kilo. Mas mahal pa sa karne ng baboy at halos kapareho na ng presyo ng baka.

Ganundin ang ibang isda, ang tilapia na dating P90, nasa P130 kada kilo na at ang bangus na mabibili noon ng P100 kada kilo ay nadoble na sa P200. Kaya nakakagulat ba kung mas pipiliin ng mamimili ang karne kesa sa isda?

Umaaray naman ang mga tindero at walang magawa kundi ang tumigil muna sa pagtitinda ng isda kaysa malugi.

Ang sinasabing dahilan ng taas-presyo ay ang sunud-sunod na bagyo kasabay ng malalakas na alon sa dagat. Kapag masama ang panahon, nasa ilalim ng dagat ang mga isda kaya walang mahuli ang mga mangingisda. Umaasa tayong kapag bumuti na ang panahon, makakabawi rin ang mga mangingisda, tindero at mga suki.

Samantala, ayon sa Department of Agriculture, aangkat ng 45,000 metriko tonelada ng galunggong at mackerel para mapunan ang mababang suplay sa bansa. Maaaring ito ang pinakamadaling solusyon sa ngayon, pero ano nga ba ang pinakamainam?

Napapansin nating sa tuwing may kakapusan sa ating mga produkto, ang palaging takbuhan ay importasyon. Ang nangyayari, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga smuggler na makapagpuslit nang sangkatutak na produkto na papatay naman sa sarili nating kabuhayan. ‘Yung inakala nating tulong, problema pa pala — napakalaking problema.

Tiyak na may iba pang solusyon at tiwala tayo sa ating gobyerno na mapag-aaralan ito at maipatutupad alang-alang sa kapakanan ng ating ekonomiya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page