top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Binanatan ng mga netizens, inuna raw kesa sa mga taga-Pasig… Mayor Vico, todo-enjoy manood ng volley

  • Nitz Miralles
  • Dec 6, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Dahil sa picture nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Gretchen Ho na magkatabing nanood ng volleyball game, marami ang kinilig sa dalawa at may nagsabi pa ngang nahanapan na nila ng ka-love team ang anak ni Vic Sotto.

Pero, may netizen na nag-comment ng: “Kung bumaha sa Pasig at this very moment at kailangan ng agarang aksiyon, your mayor is seen with a Ho! May good time si Yorme sa panahon ng bagyo!”

Sagot naman ni Vico, “Lahat na lang, ginagawang pulitika. ‘Wag n’yo namang idamay ang Pasig sa fake news dahil kahit nu’ng kalakasan ng ulan nu’ng 2 PM, hin­di bumaha sa Pasig. Magandang ma­kanood ng laro sa Pasig ang mga opisyales ng lugar na ito. Suportahan na lang natin lahat ang mga atletang Pilipino, ‘di ba?”

Tiyak namang kung bumaha sa Pasig, ang pagiging mayor pa rin ang uunahin ni Vico.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page