top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malalaking discount, pamasko ng SM at BDO sa mga OFWs

Thea Janica Teh
Dec 5, 2019
3 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Muli na namang maghahatid ng natatanging pagdiriwang ng Kapaskuhan ang SM Supermalls at BDO para sa mga OFWs at kanilang pamilya sa pamamagitan ng Pamaskong Handog events kasama ang mga naglalakihang bituin sa bansa. Ito ay magaganap sa SM Seaside City Cebu Mountain Wing Atrium sa ika-7 ng Disyembre, SM City Davao Event Center, Annex sa ika-14 ng Disyembre at SM City Telabastagan Event Center sa ika-21 ng Disyembre.

“Ang mga OFWs ay marami nang sakripisyong ibinigay para sa kanilang pamilya. Ito ay aming paraan para makapagbahagi ng kaligayahan ngayong Kapaskuhan,” bahagi ni Jonjon San Agustin, SM Supermalls senior vice-president for Marketing.

“Tanging ang SM at BDO ang may ganitong uri ng kolaborasyon at mga eksklusibong handog para sa ating mga kababayan. Taun-taon, kami ay nasasabik na buuin ang Pamaskong Handog event at gawin ang lahat ng aming makakaya para mapangiti sila dahil kadalasan ay malayo sila sa mga panahong ito,” dagdag ni Genie Gloria, senior vice-president at head ng BDO Remittance.

Bilang espesyal na regalo, maraming exclusive deals at discounts ang naghihintay sa mga OFWs at kanilang mga benepisaryo. Makakukuha sila ng P300 off sa anumang regular-priced item para sa single receipt purchase na nagkakahalagang P3,000 sa lahat ng branch ng The SM Store (Disyembre 7 at 14) at hanggang 20% off sa piling gift items mula sa Kultura branches sa buong bansa (Disyembre 7, 14 at 21).

Ang mga BDO Kabayan Savings account holders naman ay maaaring kumuha ng P100 discount coupon mula Disyembre 7 hanggang 21 sa lahat ng SM Supermarket and SM Hypermarket branches sa buong bansa at gamitin ito para sa minimum purchase na nagkakahalagang P1,000 hanggang ika-31 sa Disyembre, 2019.

Ngayong taon, sa Pamaskong Handog ay pagsasama-samahin ang ilan sa mga biggest stars at entertainers. Sasama sa pagdiriwang ng Pamaskong Handog sa SM Seaside City Cebu sina Piolo Pascual at Kim Chiu; love team na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio; pop rock band na Aegis at “Tawag ng Tanghalan” finalist Jennie Gabriel.

Pasasayahin din ni Piolo ang mga bibisita sa SM City Davao kasama ang love team nina Edward Barber at Maymay Entrata; “Tawag ng Tanghalan” winner Elaine Duran at OPM band Reo Brothers. Haharanahin naman nina Xian Lim, Kim Chiu at OPM icon Ogie Alcasid ang mga dadalo sa SM City Telabastagan. Hindi lang ‘yan, sasali rin ang mga komedyanteng sina Ate Gay, MC at Lassy.

Para makasali sa Pamaskong Handog event, bawat BDO Kabayan Savings account holders at isang kasama ay kailangan lamang ipakita ang kanilang ATM card o passbook. Para sa mga hindi pa account holders, maaaring bisitahin ang BDO booth sa mga kasaling SM malls mula alas-10 ng umaga. Ang BDO ay magtatayo rin ng mga booths sa iba’t ibang SM Supermalls para sa mga interesado sa BDO Kabayan Savings.

Ang mga OFWs ay maaaring sumali sa kasiyahan sa pamamagitan ng panonood ng live streaming ng Pamaskong Handog events sa BDO Kabayan Facebook page at may special viewing din sa loob ng BDO Remit offices sa Hong Kong, Macau, Japan, France, Italy, Spain at United Kingdom.

Tiyak na isa na naman itong hindi malilimutang #SparklingSMallidays sa SM! Para sa karagdagang detalye tungkol sa Pamaskong Handog events o #SparklingSMallidays activities, bumisita sa www.smsupermalls.com/, www.bdo.com.ph, o sa BDO Kabayan Facebook page.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page