top of page

Palay, habang bagsak-presyo.. Local Farmers, tuturuang magnegosyo

  • Mylene Alfonso
  • Dec 2, 2019
  • 1 min read

Habang wala pang kinikita sa pagsasaka dahil bagsak ang presyo ng palay dulot ng patuloy na pagpasok ng mga murang imported rice, tutulungan ng lokal na pamahalaan ng Palayan City, Nueva Ecija ang mga magsasaka na maghanap ng iba pang pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, kailangang ihanap ang mga magsasaka ng alternatibong pagkakakitaan upang hindi tuluyang malugmok sa pagkakautang. Kaugnay nito, isinagawa ang 5th Farmers Congress na dinaluhan ng alkalde at nangakong ibibigay ang 20% ng development fund ng Palayan City sa asosasyon ng mga magsasaka para ibili ng mga rice processing machines bilang panimula sa kanilang negosyo.

Dumalo sa pagtitipon ang nasa 1,500 na mga magsasaka mula sa iba’t ibang asosasyon at kooperatiba tulad ng Pinatubo Farmers Association, Pinaltakan Valley, Imelda Farmers Association, Paani sa Patubig Irrigators Association, Aulo Mapaet, Aulo Macatbong, Calamansi Growers Association at Palayan City Onion Growers Association.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page