Barbie Imperial, bagong tanduay calendar girl 2020

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Sasalubungin natin nang mainit ang 2020 dahil kamakailan lamang ay ipinakilala na ng Tanduay ang kanilang Calendar Girl 2019 at ito ay walang iba kundi si Barbie Imperial!
Si Barbie Imperial ay unang nakilala bilang PBB Housemate at sa kanyang teleserye tulad ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi at ilang Maalaala Mo Kaya episodes.
Kuwento niya, ito ang isa sa mga pasabog niya ngayong 2020 at marami pa tayong aabangang mga projects niya.
Ngayon na kahanay na niya sina Bela Padilla at Erich Gonzales na ilan din sa mga naging Calendar Girl ng Tanduay, hindi pa rin makapaniwala si Barbie Imperial na siya ang napili bilang Calendar Girl sa susunod na taon. “Kinakabahan ako at punumpuno ng pressure dahil first time ko ito pero palagi kong iniisip na para sa pamilya ko ito kaya ko ito ginagawa kaya naman naiibsan ang lahat ng kaba,” bahagi niya.
Dahil tulad ng Tanduay, Tibay ng Loob ang kailangan para maabot ang lahat ng mga pangarap at kinakatawan ni Barbie ang pagiging fierce at palaban sa pagharap sa mga pagsubok. Kaya naman ready na si Barbie na ipakita ang kanyang hotness at confidence dahil subok na ang katibayan ng kanyang loob gaya ng Tanduay. Congratulations!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments