Aktor, dinala sa Boracay ang pamilya at friends ng aktres para makapag-propose… Juancho at Joyce Pr
- Nitz Miralles
- Nov 28, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @juanchotrivino
Sa story ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Madrasta, ikakasal pa lang sina Juancho Triviño as Sean at Arra San Agustin as Audrey.
In real life, engaged na si Juancho sa fiancee niyang si Joyce Pring. Last August 3 pa nag-propose si Juancho habang nagbabakasyon sila sa Boracay, pero ngayon lang nila inilabas.
Ang bongga ni Juancho dahil sabi ni Joyce, pinalipad ng aktor sa Boracay ang pamilya niya para sa birthday ng mom niya with her close friends para maging saksi sa proposal niya at makatulong na rin sa paghahanda.
Airplane fare pa lang pa-Boracay ay mahal na, may hotel accommodation pa at iba pang gastusin.
Sa presscon ng 20th anniversary ng Unang Hirit, masaya si Arnold Clavio na sa nasabing morning show nagsimula ang love story nina Juancho at Joyce. Kaya, hindi nakakagulat kung may coverage sa Unang Hirit kapag ikinasal ang dalawa.
Parang malapit na ang kasal nila dahil sa post ni Joyce, ang sabi, um-attend na sila ng pre-marital counseling sa church, lumipad siya sa New York para sa fitting ng kanyang wedding dress, may food tasting at wedding planning na.
Sabi naman ni Juancho, alam na niya agad na si Joyce ang para sa kanya at “I can’t wait to start my life with the person I am certain God gave me.”
Ang ganda ng hashtag ng post nina Juancho at Joyce na #PringAngBato #Juanchoyce #PringHomeTheOne.”





Comments