top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BDO, pinarangalan ng Youtube

Thea Janica Teh
Nov 25, 2019
2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Kamakailan lamang ay pinarangalan ng YouTube ang BDO ng Crystal Award sa kategoryang Multi-video Storytelling para sa video series na Kwentong Kabayan at Bronze Award naman sa kategoryang Financial Institutions and Services para sa “Europe,” isa sa tatlong palabas sa naturang serye.

Ang BDO Unibank, Inc., ang natatanging bangko na kinilala para sa malikhaing kahusayan nito sa naganap na 2019 YouTube Ads Awards.

Inilunsad noong 2018, ang Kwentong Kabayan series ay proyekto ng BDO kasama ang creative agency na Hemisphere-Leo Burnett at production house na Film Pabrika.

Itinatampok nito ang tunay na karanasan ng mga OFW na tumanggap ng mga kakaibang trabaho para masuportahan ang kani-kanilang pamilya. Ang “Middle East” ay tungkol sa karanasan ng isang ama na naglalakbay sa mga delikadong lugar para maghatid ng tubig sa iba’t ibang lokasyon; ang “Japan” ay nagpapakita kung paano ang isang Pinay ay nagsisilbi bilang tokushu seiso, isang taong inatasang linisin ang mga kagamitan ng mga namatay nang mag-isa; habang ang “Europe” naman ay nagkukuwento tungkol sa isang amang nagtatrabaho sa nightclub bilang tanyag na drag queen.

Ang YouTube Ads Awards ay kumikilala sa mga natatanging kampanya na nagpapakita ng kapangyarihan ng makabago at malikhaing pagkukuwento sa naturang video-sharing website.

“Ang Kwentong Kabayan series ay ang aming paraan para bigyang-pugay ang mga OFWs at kanilang kasipagan, mga sakripisyo at kahanga-hangang pagmamahal sa pamilya. Bilang katuwang nilang bangko, alam namin na wala silang hindi gagawin para mapangalagaan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng aming remittance services, karangalan naming maging bahagi ng kuwento ng kanilang buhay,” bahagi ni Geneva Gloria, Senior Vice-President at Head ng BDO Remit.

Nilikha ng BDO ang BDO Kabayan Savings Accounts para maging tulay sa pagitan ng OFWs at kanilang beneficiaries. Ang mga OFW ay maaaring magpadala ng kanilang remittance sa mga full-service branches ng bangko sa Hong Kong at Singapore, gayundin sa 20 remittance at representative offices sa Asia, Europe, North America at Middle East.

Samantala, ang mga beneficiaries ay maaaring mag-claim ng kanilang remittance sa higit 1,100 BDO branches, higit sa 150 BDO Network Bank branches at halos 100 BDO Remit counters sa SM Malls at higit sa 5,000 Cash Agad partner locations sa buong bansa.

Sa umpisa ng taon, ang Kwentong Kabayan series ay pinarangalan din ng Gold Award sa 2019 Kidlat Awards at Gold in Best Production Design para sa video na “Japan.”

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page