top of page

May tampo sa network? Angel, inisnab ang ABS-CBN Ball at Christmas Station ID ng dos

  • Erlinda Rapadas
  • Nov 23, 2019
  • 1 min read

May mga fans ni Angel Locsin ang nagtatanong kung may tampo ba siya sa Kapamilya Network dahil wala siya sa dalawang malalaking events ng ABS-CBN.

Una, hindi niya sinipot ang ABS-CBN Ball na taun-taon ay idinaraos upang mag-bonding ang mga artista ng network. Idinoneyt na lang ni Angel sa Bantay Bata Foundation ‘yung dapat niyang gastusin sa gown na kanyang isusuot sa ball.

Marami rin ang nagtaka kung bakit nawawala raw at hindi napansin ang presence ni Angel sa Christmas Station ID ng ABS-CBN. Lahat halos ng Kapamilya stars ay kasama sa nasabing Christmas Station ID. Ano raw ba ang dahilan kung bakit nagtatago/umiiwas si Angel sa mga events ng network?

May dapat ba siyang ipagtampo sa Dos? Baka naman sobra lang siyang naging abala sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal ni Neil Arce?

Well, kung anu’t anuman, nakakadiretso naman si Angel sa mga big bosses ng ABS-CBN. Puwede niyang iparating sa mga ito ang kanyang sentimyento.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page