Never na raw papatol sa babae, si Vice na ang forever niya… Sigaw ni Ion: Hindi ako bading kahit nag
- Ronalyn Seminiano
- Nov 18, 2019
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Kalokah ang in-upload ni Ogie Diaz sa YouTube na video interview niya with It’s Showtime’s Kuya Escort Ion Perez.
Naganap ang interview sa loob ng van ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, though hindi nila kasama ang gay host dahil ani Ogie ay nasa It’s Showtime ito, kaya kinorner niya ang boyfriend nitong si Ion.
Tila “get-to-know Kuya Escort” ang peg ng naturang interview. Sinabi ni Ion na pang-13 siya sa 15 magkakapatid. Nabanggit din ni Ion na lahat ng mga kapatid niya ay may asawa na at siya na lang ang wala, pero nilinaw niyang hindi sila nagli-live-in ni Vice kahit may sarili na siyang tinitirhan dito sa Maynila.
Nabanggit ni Ogie ang madalas sabihin ng mga bashers na ginagamit lang umano ni Ion si Vice Ganda.
Ani Ogie, “‘Yung iba, sinasabi nila na ‘Si Ion, ginagamit si Vice.’ Ako naman, sabi ko, paanong gagamitin, eh, puso ‘yun? Puso ‘yung nagsasalita na nagmamahalan silang dalawa.”
Tinanong ni Ogie kung ano ang take ni Ion sa bagay na ‘yun. Sagot ni Ion, noong wala pa siya sa It’s Showtime, nararamdaman daw niya ‘yung sakit na nararamdaman ni Vice tuwing umiiyak ang gay host. Ramdam na ramdam daw niya si Vice at pinaglalaruan at pinagsasamantalahan lang daw ito na parang clown para lang magpasaya ng mga tao.
Naikuwento rin ni Ion na wala sa isip niya ang pumasok sa It’s Showtime. Aniya, “Dati po kasi, bago ako pumasok ng Showtime, nasa pageant industry po ako. Nag-Mr. Universe Tourism po ako… ng Pilipinas po, kasi ako po ang lumaban ng international na nag-represent ng Pilipinas, tapos nag-quit ako sa reign ko dahil may hindi kami pagkakasunduan ng may hawak sa akin. Tapos, nu’ng mga 1 month na po yata akong bakante, tinawagan po ako ng It’s Showtime.”
Nu’ng una raw niyang nakita si Vice ay gusto niya itong palaging tingnan at pakiramdaman dahil fan din daw siya nito at sobra siyang naaawa sa gay host dahil palagi itong pinaglalaruan.
Diretsahan din ang naging tanong ng dating manager ni Vice kay Ion na “Since nagmahal ka ng bading, bading ka na rin ba?”
Mabilis na sagot ni Ion, “Hindi po. Sobrang straight po ako. Nagkataon lang na nagmahal ako sa isang bakla.”
Sinabi rin ni Ion na since kinokonsidera niyang GF si Vice ay hindi na raw siya manliligaw ng babae.
“Hinding-hindi. Dati po, ‘di ako naniniwala sa forever, pero ngayon, nararamdaman ko na makakasama ko talaga siya (Vice) nang matagal,” ani Ion.
Nabanggit din ni Ion na may time na napag-uusapan nila ni Vice ang magpakasal, pero hindi naman nila kailangang magmadali. Ang mahalaga raw ay nagkakaintindihan sila at nagmamahalan, pero siguradong kikiligin to the max si Vice sa sinabi ni Ion na “Darating din po siguro ‘yung time na ‘yun na magpapakasal.”
Hindi rin daw naglalalapit si Ion sa mga babae kahit sa mga bading dahil sila na ni Vice.
Napag-usapan din nina Ion at Ogie ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Dahil hindi sila puwedeng magkaroon ni Vice ng anak, tinanong ni Ogie kung kaninong semilya ang gagamitin para magkaroon sila ng baby.
Sabi ni Ion, hindi pa nila napag-uusapan ang bagay na ‘yun pero aniya, excited din siya sa idea na magka-baby sila through surrogacy.
“Opo, siyempre, kasi unang-una, makikita ko ‘yung maliit na Viceral,” hirit pa ni Ion.
Nabanggit din ni Ogie na imposibleng pineperahan lang ni Ion si Vice dahil malaki raw ang talent fee nito.
Sabi ni Ogie, “Ako mismo, bading ako, eh, naramdaman ko kung gaano kamahal ni Ion si Vice kaya hindi ko naisip ‘yung panggagamit, peperahan…”
Nabanggit din ni Ion sa video na nagkita at nagkausap na raw ang both mother nila ni Vice. At ang bilin daw ng mommy ni Vice sa kanya ay alagaan at mahalin ito.
Nabanggit din ni Ion na ipinapagawa niya nang paunti-unti ang bahay ng magulang niya sa Tarlac at may sarili rin daw siyang bahay doon.
Tanong ni Ogie, “So, doon mo ititira si Vice?”
Sagot ni Ion, “Kung papayag po siya, kung gusto niya ng tahimik na buhay, du’n kami.”
‘Kalokah din ang sinabi ni Ogie na… “Puwede na kayong mag-ano, ‘noh? Kasi ‘yun ang gusto ni Vice, eh, ‘yung mga ‘pag lumalabas, magka-holding hands na hindi ginagawa sa kanya nu’ng araw. Itinatago, inililihim siya.”
Sagot ni Ion, “Opo… Hindi ko po kayang gawin ‘yun (ilihim) sa taong mahal ko.”
Ayieee, Vice! Buti ka pa! Sana all!





Comments